The Frumpy Mom is

My photo
Quezon City, Philippines
Cook, teacher, nurse, janitor, chauffeur, entertainer, maid, referee, supporter, and can make anything better with a kiss! :) I'm also a human jungle gym, my fingers are teething rings, my shirt's a permanent burp rag, my lap's a changing pad and my hair is used as a monkey rope! :) Yes, I'm a mom! :)

Friday, January 14, 2011

Pnoy's Porsche

Online ako sa Facebook ko ngayon. Kanina, nag post ako ng comment sa status ni Ishmael Fischer Ahab. Ang status niya ay ang tungkol sa Porsche ni Pnoy. Aaminin ko na hindi ako gaanong updated sa mga current events pero nag pintig lang ang tenga (or in this case, mga mata) ko sa mga nabasa ko. Nag research ako about the topic. Baka naman kasi may dahilan si Pnoy kaya bumili siya ng, ayon sa kanya, third hand na luxury car. Ayon sa mga nabasa ko, bumili siya nung Porsche para hindi ipag mayabang ito, kung hindi pang relax. Yun tipong, pag bored siya, mag drive around siya with his Porsche. In my opinion, sana hindi na dapat lumabas ang balita na bumili siya ng mamahalin na sasakyan. Kahit anong sabihin niya, mapupuna at mapupuna ang pagbili niya nito eh. Alam naman niya kasi na bagsak ang ekonomiya natin, ipapakita pa niya na bumibili siya ng luxury cars. Sana, while he drives around that expensive car of his, tignan niya ang paligid niya. Isipin niya kung may naitulong ba ito sa ekonomiya natin. Napalinis ba nito ang paligid natin? Napakain ba ang mga nagugutom? Napabahay ang mga nakatira sa kariton? Nakatulong ba ito para pagandahin ang public school system natin?

Hindi ako galit kay Pnoy. Naiintindihan ko na bilang isang presidente at isa na din celebrity, people will expect him to live the lifestyle of the rich and famous. Pero, hinay hinay lang sana. Kahit ba sa sariling bulsa niya nanggaling ang perang pinang bili niya ng sasakyan, ano ba naman yun sana, dinonate na lang niya? May naitulong pa siya. Sa ginawa niya, sarili niya lang ang pinasaya niya. Ano na ngayon? May bago siyang mamahalin na sasakyan, galit naman sa kanya ang mamamayan. Naisip ko pa ngayon, malamang, yun mga taong naglagay sa kanya sa pwesto eh galit din sa kanya at baka nagsisisi na binoto pa siya. Hindi ba siya nahihiya sa mga taong pinaasa niya?

Sayang si Pnoy. Sana sinundan na lang niya ang yapak ng kanyang yumaong mga magulang.

Comments and violent reactions are welcome pero hindi ko papatulan. :D I'm merely expressing my thoughts on the issue. :) May kanya kanya tayong opinyon at nirerespeto ko ang inyo. Sana, respetuhin niyo din ang akin. :)

For more info about the issue:

4 comments:

  1. alam mo ... di ko na rin nagugustuhan ang palakad ni Pnoy... as in parang wala naman syang nagagawa.... I'm sure gayundin ang nararamdaman ng iba... no wonder why nababa na ang ratings nya sa pulse srvey

    ReplyDelete
  2. Nung una pa lang, hindi ko na gusto si Pnoy. Alam ko na ginagamit niya lang ang simpatiya ng tao kasi namatay ang nanay niya para makuha ang boto nila. Nakakalungkot. Wala man lang siya nagagawa para sa ekonomiya natin. Kawawa naman ang mga anak ko. Though they're still innocent, ma fefeel nila na "epic fail" ang leadership ni Pnoy. :|

    ReplyDelete
  3. We are on the same side Frumpy Mom. Noong nagsimula yan ng candidacy niya eh tagilid na for me yang si Noynoy.

    Wala namang napatunayan yan sa Senado. Tamad at yosi break lagi.

    Nagoyo yung mga bumoto sa kanya.

    ReplyDelete
  4. just stopping by to say hi! i always love meeting other filipina bloggers! happy to meet you!

    ReplyDelete